Home Headlines 224 kaso ng HFMD naitala sa Bulacan

224 kaso ng HFMD naitala sa Bulacan

420
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS —- Naitala ng Bulacan Provincial Health Office-Public Health ang kabuuang 224 kaso ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) mula Enero 1 hanggang Pebrero 4, 2023.

Ayon sa ulat, ito ay mas mataas ng 914% mula sa 21 HFMD cases sa Bulacan noong nakaraang taon. Ang malaking porsyento ng bilang ng mga tinamaan ay may edad na 10 taon pababa.

Ang bayan ng Sta. Maria naman ang may pinakamataas na bilang ng HFMD na may kabuuang 36 na kaso, habang ang bayan ng Bustos ay may 30 insidente, at 24 na kaso ang San Rafael.

Ayon sa PHO, maiiwasan ang paglala ng HDMD kung iinom ng analgesics para sa sakit at antipyretics para sa lagnat o iinom ng malalamig na inumin at magmumumog ng topical at oral antiseptics.

Gayundin, upang makaiwas sa sakit, pinayuhan ang mga Bulakenyo na maghugas ng kamay, gumamit ng protective equipment kung nag-aalaga ng hayop, agarang ihiwalay ang kakakikitaan ng mga sintomas, mag-disinfect ng kapaligiran, magpalakas ng resistensya, at iwasang gumamit ng kutsara at tinidor ng ibang tao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here