Home Headlines 21 barangay sa Tarlac City may bagong rescue vehicles

21 barangay sa Tarlac City may bagong rescue vehicles

1412
0
SHARE

(TULONG AT ALALAY PARA SA BARANGAY. May 21 barangay sa kabiserang lungsod ng Tarlac ang tumanggap ng bagong sasakyang pang-rescue mula sa Pamahalaang Panlungsod. Bawat Mitsubishi rescue vehicle ay kayang maglaman ng 12 katao. Mayroon din itong stretchers, blinkers at lalagyan ng first aid equipment. Tarlac City Information Office)

LUNGSOD N TARLAC, Hunyo 13 (PIA) — May 21 barangay sa kabiserang lungsod ng Tarlac ang tumanggap ng bagong sasakyang pang-rescue mula sa Pamahalaang Panlungsod.

Ayon kay Mayor Cristy Angeles, layunin nitong masiguro na abot kamay ng mga barangay ang pagtugon sa oras ng pangangailangan ng mga residente sa kanilang nasasakupan.

Aniya pa, mahalaga rin ang pagkakaroon ng mga emergency vehicles upang mas mapaigting ang iba’t ibang serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Pahayag pa ng alkalde, binigyan niya ng pagkakataon ang mga barangay na pumili kung infrastructure programs o emergency vehicle ang ibibigay sa kanilang barangay.

Bawat Mitsubishi rescue vehicle ay kayang maglaman ng 12 katao.

Mayroon din itong stretchers, blinkers at lalagyan ng first aid equipment.

Kabilang sa mga nabigyan ng naturang sasakyan ang barangay Atioc, Balibago 2, Batang-batang, Buenavista, Burot, Calingcuan, Central, Cutcut II, Lourdes at Mapalacsiao.

Pinagkalooban din ang barangay Poblacion, Salapungan, San Carlos, San Francisco, San Jose, San Juan Bautista, San Juan de Mata, Sta. Cruz, Sto. Domingo at Ungot.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ito ang ikalawang bahagi ng pamamahagi ng mga sasakyan kung saan nabigyan na ang ibang barangay noong nakaraang taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here