May kabuuang 20,118 magsasaka sa Bulacan ang tatanggap ng tig-limang libong pisong ayuda at Intervention Monitoring Card mula sa Department of Agriculture. (Bulacan PPAO)
LUNGSOD NG MALOLOS — May kabuuang 20,118 magsasaka sa Bulacan ang tatanggap ng tig-limang libong pisong ayuda at Intervention Monitoring Card o IMC mula sa Department of Agriculture o DA.
Ito ay sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance kung saan ang mga benepisyaryo ay rehistrado sa Farmers and Fisherfolks Registry System.
Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, pinahihintulutan ng Republic Act 11598 o Cash Assistance for Filipino Farmers Act ang DA na magbigay ng direktang tulong pinansyal sa mga magsasaka na nagsasaka ng palayang may sukat na dalawang ektarya pababa hanggang 2024.
Ang tatangaping IMC ay magsisilbing ID at cash card ng mga magsasaka na magagamit upang maka-access sa mga tulong ng pamahalaan.
Sa ginawang kick-off ceremony sa Capitol Gym, nauna nang tumanggap ang may 200 magsasaka mula sa lungsod ng Malolos mula sa kabuuang 748 na bilang nito.
Ang mga magsasaka sa iba pang bayan at lungsod ay natanggap ang kanilang IMC at tig-limang libong pisong ayuda sa pamamagitan ng store pay-out.
Kabilang rito ang mga bayan ng Balagtas, Baliwag, Guiguinto, Hagonoy Balagtas, Baliwag, Guiguinto, Hagonoy, Marilao, Obando, Plaridel at Santa Maria at mga lungsod Meycauayan at San Jose del Monte.
Pay-out caravan naman ang isasagawa sa mga bayan na may mataas ang bilang ng benepisyaryo at walang sangay ng USSC remittance center. (CLJD/VFC-PIA 3)