200 atleta sumabak sa triathlon sa Subic

    361
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales – Mahigit sa 200 mga atleta mula sa ibat-ibang lugar ang sumali sa isang Triathlon competition na nagsimula sa White Rock Beach Resort dito kamakailan.

    Binigyang hudyat ni Zambales Provincial Administartor Jun Omar Ebdane ang panimula ng kumpetisyon. Nauna rito ang may dalawang kilometrong paglangoy, sinundan ito ng may 91 kilometrong pagbisikleta mula sa White Rock Beach Resort hanggang sa Cabanggan, Zambales pabalik ng Subic at pagkatapos ay tatakbo ng 20 kilometro bago tuluyang magtapos sa finish line.

    May ilan naman sa mga siklista ang nasiraan subalit sa kabila nito ay nagawa paring makahabol.

    May ilan din sa mga atleta ang napagod dahil sa sobrang init at nagpahinga muna bago nagpatuloy sa kumpetisyon.

    Todo arangkada paakyat at pababa ng bundok sa pagtakbo sa may 20 kilometrong layo habang naka-antabay naman ang Emergency Response Unit ng Philippine National Red Cross para magbigay ng First Aid sa mga atleta.

    Sa nasabing kumpetisyon, nanguna si Brian Borling, 23-anyos ng Cagayan De Oro City ng Team Tribe  at sa loob ng isang taon pagsali sa kumpitisyon, ito ang kanyang kauna-unahang pagkapanalo.

    Pumangalawa naman si Ferdinand Catabian ll ng Team Herbalife at pumangatlo naman si LC Langit ng Polo Tri Team.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here