Sakay sa kayak ang isang bata na biktima ng landslide sa Barangay San Isidro, Subic, Zambales.
KUHA NI JOHNNY R. REBLANDO
SUBIC, Zambales – Isinailalim na sa permanent danger zone ang lugar sa Barangay Cawag at Barangay San Isidro na pinangyarihan ng landslide kung saan 18 katao ang natabunan at dalawa ang namatay sa matinding pagbaha dala ng habagat.
Ayon kay Mayor Jay Khonghun, 100 hanggang 200 pamilya ang nasa ibat-iabang evacuation center na biktima ng malawakang pagbaha at isinailalim na ang Subic sa state of Calamity.
Sinabi pa ni Khonghun na hindi nila ini-expect yung lugar kung saan naganap ang landslide dahil wala ito sa talaan ng kanilang “hazard map”. Dugtong pa ng alkalde na nakakalbo ang kagubatan bunga ng dumadaming mga subdivision na itinatayo sa mga kabundukan.
Dumadami na rin aniya ang population ng Subic kung kaya ang ilan ay sa mga kabundukan na nagtatayo ng bahay. Nanawagan si Khonghun sa Department of Environment and Natural Resources na huwag basta mag-issue ng environment clearance certificate sa Department of Public Works and Highways na hukayin ang mga ilog dahil mababaw na ito at hindi na makayanan ang pagdaloy na tubig baha na may kasamang lahar mula sa kabundukan.
Ayon naman kay CENRO-Olongapo Marife Castillo, hindi aniya epekto ng illegal logging at quarrying ang sanhi ng pagbaha, kundi ito aniya ay “uncontrolled occupation of our uplands plus volume of waters”.
Nabgbigay na din ng 250 packs at karagdagang 1,000 packs paang ibibigay ng Department of Social Welfare and Development para sa mga biktima ng pagbaha sa mga evacuation center.