2 pushers patay, 1 pulis sugatan sa shoot-out

    267
    0
    SHARE
    OLONGAPO CITY— Dead on the spot ang dalawang hinihinalang drug pushers matapos umanong makipagbarilan sa mga tumutugis na operatiba ng Olongapo City PNP sa harapan ng pamilihang lungsod sa Barangay West Bajac- Bajac.

    Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sina Randolph Cahigting at Jessie Chris pawang taga Barangay Sta Rita na nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

    Tinamaan naman sa kanang leeg si PO2 Arnie Omega ng Station 5 ng Olongapo City Police Office na ngayon ay under observation sa pagamutan.

    Ayon sa mga vendors at by-standers parang eksena umano sa mala-aksyong pelikula ang kanilang nasaksihan habang nakikipagpalitan ng putok ang dalawang suspek sa mga tumutugis na mga pulis.

    Ayon sa ulat ng pulisya, matagal nang minamanmanan ng Police Station 5 ang mga suspek dahil sa pagtutulak ng droga. Dati nang naka engkuwentro ng mga pulis sa buy bust operation noong Agosto 26, 2016 sa Block 12, Barangay Gordon Heights ang mga ito subalit nakatakas noon ang mga suspek.

    Dagdag pa sa ulat na muli na namang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa bahagi ng Ibarra St. bandang alas 8:30 ng gabi subalit natunugan ang buyer ng droga ay isang pulis at dito na nagkaroon ng habulan ng hanggang sa makorner sa may bahagi ng pamilihang lungsod ang mga suspek kung saan nagkaroon ng palitan ng putok.

    Nakarekober ang pulisya ng baril, limang sachet ng hinihinalang shabu at ang kulay itim na Innova na sasakyan ng mga nasawing suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here