Huli ng pulisya sa Katipunan St., Barangay East Bajac-Bajac ang suspek na si Ernest Cayle, 21, matapos magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P300.
Narekober sa pag-iingat ng suspek ang siyam na plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu.
Sa Barangay Sta. Rita, huli naman ang suspek na si Crispin De Leon, 56, matapos magbenta ng shabu sa halagang P500.
Ang suspek ay nasakote matapos na makipaghabulan at makipagbarilan sa mga humahabol na pulis habang sakay ito ng single motorcycle.
Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre 38 baril na may laman na apat na bala, marked money at limang plastic sachet ng shabu.
Ang mga suspek ay detinido sa Police Station 1 detention cell at ipinagharap na sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng RA 9165.