Home Headlines 2 positibo sa Covid-19, 2 barangay nasa total lockdown

2 positibo sa Covid-19, 2 barangay nasa total lockdown

1122
0
SHARE

BULAKAN, Bulacan— Epektibo ngayong Lunes ay mahigpit na ipatutupad ang total lockdown sa mga barangay ng Matungao at Sta. Ana sa loob ng 14 na araw matapos maitala ang tig-isang kaso ng Covid-19 sa mga ito.

Ang municipal health office na ang mismong nagmungkahi na isailalaim na sa total lockdown ang dalawang barangay para maiwasan na lumaganap pa ang naturang sakit.

Hindi papayagan sa checkpoint ang sino man na makapasok o makalabas ng barangay at kung magpipilit na lumabas ang isang residente ay hindi na ito maaring bumalik hanggang matapos ang 14 na araw.

Sa ngayon ay sarado na ang mga daan papasok at palabas ng nasabing mga barangay at ipinag-utos na arestuhin ang lalabag sa 14-day lockdown.

Kayat ngayon pa lang ay nakikiusap na ang mga otoridad sa mga residente na makipagtulungan na lamang.

Isinasagawa na rin ang contact tracing sa dalawang barangay sa mga nakasalamuha ng dalawang nagpositibo sa Covid-19. 

Isinasagawa na rin ang contact tracing sa dalawang barangay sa mga nakasalamuha ng dalawang nagpositibo sa Covid-19. 

Bago ipinatupad ang total lockdown ngayong araw ay nakapag-distribute naman daw ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa mga residente ng dalawang nabanggit na barangay.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here