2 patay sa holdap sa Bulacan

    608
    0
    SHARE

    STA. MARIA, Bulacan— Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang dalawa katao kabilang ang isa sa tatlong suspek na nangholdap at tumangay ng P271,000 payroll ng isang pabrika sa bayang ito noong Miyerkoles.

    Ayon kay Supt. Marcos Rivero, hepe ng pulisya, ang pinatay ay nakilalang si Allan Hilis, 25, isang superbisor ng Fabri-Kote Inc.,na matatagpuan sa Barangay Guyong dito.

    Ang napatay namang suspek ay nakilalang si Eligeorge Sisa, 28 ng Sapang Palay, San Jose Del Monte City.

    Ayon sa pulisya, nagwithdraw ng halagang P271,000 bilang payroll ng mga empleyado ng Fabri-Kote Inc. si Hilis at kasamang si Rafael Abino sa MetroBank Branch sa bayang ito bandang alas 10:40.

    Pabalik na ang dalawa sa kanilang tanggapan sakay ng isang Toyota Corolla na may plakang TSX 176 nang biglang harangin ng tatlong suspek na sakay ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Sta. Maria By-Pass Road sa Barangay Sta. Clara.

    Sinabi ni Abino sa pulisya na pagkababa sa motorsiklo ng mga suspek o bago pa ideklara ang holdap ay agad na binaril ni Sisa si Hilis.

    Dahil sa kanyang takot, sinabi ni Abino sa mga pulis na ibinigay niya sa mga suspek ang pera at tumakas ang mga ito patungong Barangay Guyong.

    Ilang traffic enforcer naman na nakasaksi ang agad na nag-ulat sa pulisya ng insidente kayat agad na nagsagawa ang mga ito ng pursuir operations.

    Inabutan ng mga pulis ang mga suspek sa Barangay Guyong ngunit agad silang pinaputukan nito, kaya’t nagkaroon ng palitan ng putok na ikimatay ni Sisa.

    Ayon sa pulisya, nakatakas ang dalawang kasama ni Sisa  tangay ang halagang P271,000.
    Nakarekober ng isang kalibre .38 rebolber na may tatlong bala at tatlong basyo ang pulisya sa crime scene.

    Patuloy pa rin ang operasyon ng pulisya sa dalawa pang kasama ng napatay na suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here