2 PATAY, 5 SUGATAN
    Kotse bumangga sa puno

    483
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales —- Dalawa ang patay samantalang lima ang sugatan kabilang na dito ang dalawang menor de edad nang ang kanilang sinasakayang kotse ay bumangga sa sa puno sa Barangay Calapacuan sa bayang ito madaling araw ng Martes.

    Nasawi habang ginagamot sa Our Lady of Lourdes Memorial Hospital sa Barangay Barretto, Olongapo City ang mga biktimang sina Francisco Sevilla, 28, residente ng Barangay Old Cabalan at Gloria Bosotros, 37, residente ng Barangay Kalalake pawang sa Olongapo City.

    Naka-confine naman sa nasabing pagamutan dahil sa mga tinamong sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Bryan Alviar, 24; Bernard Alviar, 22; Erickson Eblacas, 25; at ang dalawang menor de edad na 16 at 17-anyos, pawang mga residente ng Barangay Old Cabalan, Olongapo City.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake sa kurbada ang KIA Sedan na may plakang RLY-181 na minamaneho ni Bryan Aviar nang makakasalubong nito ang isang bus hangang sa mawalan ito ng control sa manibela kung kaya bumangga ito sa punong acacia at nagpa-iko-ikot sa kalsada.

    Ayon pa sa ulat galing umanong nag-goodtime sa night club sa Barangay Calapandayan ang mga biktima nang maganap ang aksidente.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here