2 patay, 1 sugatan

    459
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales– Dalawa ang patay, kabilang ang isang menor de edad at isa pa ang sugatan matapos pagbabarilin ng di pa kilalalang suspek sa Barangay Calapacuan sa bayang ito.

    Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Cheif Inspector Joan Sibayan, hepe ng Subic PNP, kinilala ang napatay na si Toto Tamayo, nasa hustong gulang, residente ng Purok 6B, Barangay Calapacuan at isang 16-anyos na lalaki na taga Barangay Naugsol pawang sa bayan ng Subic.

    Sugatan naman at kasalukuyang ginagamot sa James Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City ang isang 15-anyos na lalaki bunga ng tinamo nitong tama ng bala sa binti.

    Sa imbestigasyon ng pulisya nasa Purok 6B, Calapacuan ang mga biktima nang bigla na lamang sumulpot ang suspek na nakasuot ng bonnet at armado ng baril at saka pinaulanan ng bala.

    Nakuha ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng bala at slug ng .45 pistola, limang bala ng .45 at P4,500 sa bulsa ng napatay na 16-anyos na biktima at isang motorsiklo na walang plaka.

    Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ang nasabing krimen ay may kaugnayan sa onsehan sa bentahan ng droga.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here