BAGAC, Bataan – Dalawang paslit ang pinatay umano sa pamamagitan ng kitchen knife ng sariling ama na sa bandang huli naman ay napatay ng mga pulis matapos ang halos dalawang oras na negosasyon sa San Antonio, dito Linggo ng umaga.
Kinilala ni Insp. Marlon Cudal, Bagac police chief, ang mga biktima na si Arwin Arellano, 34, na tubong Iloilo City, isang electrician at dalawang anak nitong sina Charles Daniel, 6 at Zhelwin, 3.
Nagtamo ng dalawang tama buhat sa kalibre .45 ang ama sa balikat at malapit sa dibdib. Si Charles Daniel ay may anim na saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan samantalang ang bunso ay may apat na saksak. Lahat sila ay idineklarang dead on arrival sa Bagac Medicare Hospital.
Isinalaysay ni Desiree Umaandap, kapatid ni Arwin, na nagising siya nang marinig niyang umiiyak si Charles Daniel. Si Desiree na may-ari ng bahay sa San Antonio ay nasa kabilang kuwarto lamang ng mag-aama na nakitira sa kanila halos limang buwan pa lamang ang nakakaraan.
“Nakita ko na may dugo sa kutson ng mag-aama at may kutsilyo na malapit sa leeg ng panganay na anak ng kapatid ko. Kaya sinabihan ko itong dadalhin ko ang bata na may sugat sa ospital subalit iba ang tingin nito sa akin at pinagbantaan ako at isa pa naming kapatid na sasaksakin din kaya nagsisigaw na ako,” sabi ng babae.
Dumaing umano si Arwin na masakit ang dibdib noong gabi bago nangyari ang pagpatay sa dalawang anak kaya binigyan niya ng isang maliit na papel na galing sa arbularyo subalit hindi naman diumano sinunod ng kapatid.
Ang asawa ng kapatid na si Hazel ay limang buwan na umanong nasa Hongkong bilang domestic helper. Nang umalis papuntang Hongkong ang asawa ay lumipat ang mag-aama mula sa Ikukulo, Guimbal, Iloilo City sa bahay ng kapatid sa Bagac.
Wala diumanong napunang kakaiba si Desiree sa kapatid at hindi naman ito lasing o nagdodroga at kapisan pa nila ang sariling anak nila ng isang sarhento sa Philippine Navy na halos tatlong taong gulang na rin.
Kausap umano ni Arwin ang asawa nito sa cellphone dalawang araw pa lamang ang nakaraan at wala naman umanong napuna si Desiree na nagkakagalit ang mag-asawang magkalayo.
Ayon kay Insp. Cudal, batay sa kanilang imbestigasyon, maaaring nagkaroon ng matinding depresyon ang lalaki dahil sa pagkakalayo nilang mag-asawa.
Ipinakita ng hepe ang isang kitchen knife na duguan na umanong ginamit sa pagsaksak sa dalawang bata. Ang isa pang mahabang kutsilyo ay hawak naman diumano ng ama habang ayaw itong sumuko sa pulisya at ginamit sa pagtatangka nitong lumaban sa mga pulis.
Ang martilyo naman ay ginamit diumano nito sa pagbasag sa mga salamin sa bintana samantalang ang maliit na screw driver ay nakasuksok sa beywang ng ama ng mga bata.
Isang sulat sa Ilonggo sa isang papel na may bahid ng dugo ang diumano’y isinulat ng ama ng mga bata.
“Inaasawang nila kaming tatlo, inalay kami sa treasure at nilalason kami. Maghihiganti ako,” ito ang translation ni Desiree sa Ilonggong sulat ng kapatid.
Unang pinatay ng ama ang panganay na anak at isinunod ang bunso na akala ng mga pulis at mga kaanak ay buhay pa at ginawang hostage ng ama. “Patay na rin pala ang bata na hawak ng ama nang dumating kami,” sabi ng hepe ng pulisya.
Nilagyan din diumano ng ama ng dalawang bata ng kuryente ang door knob ng bahay at halos makuryente ang isang pulis. Nagkaroon diumano ng negosasyon mula pasado alas-5 ng umaga hanggang alas-7:15 ng umaga upang sumuko ang ama subalit nanlaban diumano ito kaya napilitan ang pulisya na barilin ito.
Isang malaking salamin (mirror) ang natagpuang may sulat ng dugo sa pamamag-itan ng daliri. Ang tangi lamang na mababasa sa ibabang bahagi ng salamin ay “500 katao ang kailangan.” Dinala ng SOCO ang salamin sa Bataan Crime Laboratory sa Balanga upang malaman ng husto kung ano talaga ang nilalaman ng sulat sa dugo.