Ang dalawang FA-50PH “Fighting Eagle” trainer aircraft na may mga tail numbers na 007 at 008 ay makakasama na sa gagamitin ng PAF sa pagsasanay at pandigma.
Ito ang ika-apat na batch ng delivery ng mga bagong fighter jets at walo na ang kabuuang hawak ng PAF at apat na lamang ang hinihintay para ideliver ng Korea ngayong 2017.
Ang F-50 ay isang multirole fighter supersonic advanced jet trainer na may kapasidad ng pagdadala ng short range air-to-air missiles, air-to-surface missiles na may pang counter measures na shaft at infrared flares.
Ang pagbili ng PAF ng mga fighter planes ay simbulo daw ng pagbabalik nito sa supersonic age matapos magretiro ang mga F5 Freedom Fighter jets noong taong 2005.