Home Headlines 2 nailigtas sa pagkalunod

2 nailigtas sa pagkalunod

859
0
SHARE

Ang pagsagip ng isa sa mga biktima. Mga larawan mula sa 1PMFC Aurora.


 

BALER, Aurora – Dalawang turista mula sa Arayat, Pampanga ang nailigtas mula sa pagkalunod sa karagatan ng Police Surfer Force ng Aurora 1st Provincial Mobile Force Company bandang alas-10 ng umaga nitong Lunes, ayon sa pulisya.

Kinilala ang mga nasagip na sina Mervin at Gilbert, kapwa may apelyidong Mallari at parehong 26-anyos.

Pagdala sa ospital ng biktima.

Ayon sa pulisya, “hindi nagdalawang isip na magsagip sa buhay ng dalawang turista” ang mga pulis na kinabibilangan nina Pat. Clint Avellaneda at Pat. Ruel Viernes, sa pamumuno ni Maj. Bartolome Antolin, officer-in-charge.

Kagyat na ginawaran ng paunang lunas ng Aurora Station Health Unit sa pamamagitan ni SSgt. Reabelle Aragoncillo ang mga biktima at pagkatapos ay isinugod sa ospital sa tulong ng municipal disaster risk reduction and management office ng Baler at ng Aurora Tourist Police Unit, ayon pa sa report.

“Sa kabutihang palad sila ay kasalukuyang nagpapagaling na sa hospital,” ulat ng pulisya.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here