Home Headlines 2 minor natagpuang patay sa kanal

2 minor natagpuang patay sa kanal

495
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Nananawagan ngayon para sa katarungan ang mga pamilya ng dalawang binatilyo na kapwa natagpuang patay sa irrigation canal sa Purok 5, Barangay Sta. Arcadia dito kamakailan.

“Nananawagan po ako kay Sir RD Gen. Hidalgo (Police Regional Office-3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo, Jr.) na sana ay mahuli lahat ng pumatay sa aming mga anak bago sila ilibing,” sabi ni Marietta dela Cruz, 41, ng Purok 7 sa naturang barangay.

Ang anak ni Dela Cruz na si Kyle Joseph, 17, ay natagpuang nakalutang sa patubig, kasama ng kaibigan nito at kasing-edad na si Jamil Fermin, ng Purok 6, pasado alas-12 ng tanghali noong March 2.

Kapwa nakatakdang ihatid sa huling hantungan ang dalawang biktima sa darating na araw ng Linggo, March 10. Dumalo sa isang debut birthday party ang dalawa noong gabi ng March 1 subalit hindi na nakabalik.

Ayon kay dela Cruz, ang kanyang anak ay tumulong umano  sa paghahanda sa debut dahil malapit ito sa may ari ng bahay na pinag-ganapan ng birthday party.

Ayon naman kay Emil Fermin, ama ni Jamil, ang kanyang anak ay kabilang sa “candles” ng gabing iyon. Batay sa paliwanag ng duktor ay namatay sa pananakal at paghambalos ng matigas na bagay sa noo ang kanyang anak na si Kyle, sabi ni dela Cruz.

Bugbog rin sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ni Jamil, ayon kay Fermin. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here