LUNGSOD NG MAKATI—Dalawang mamamahayag mula sa Gitnang Luzon, kasama ang anim pa, ang kinilala bilang kasapi ng unang grupo na tinaguriang Jaime V. Ongpin Journalism Seminar (JVOJS) Fellow noong Huwebes, Hunyo 24 kaugnay ng pagsasagawa ng nasabing seminar.
Inuwi naman ng multi-media journalist na si Ed Lingao ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ang natatanging pagkilala bilang Marshal McLuhan Prize na ipinagkaloob ng Embahada ng Canada sa Pilipinas.
Ang pagkilala ay ipinagkaloob ng Center for Media Freedom and Responsibility noong Hunyo 24 kaugnay ng taunang pagsasagawa ng JVOJS sa AIM Conference Center sa Lungsod ng Makati kung saan ay tinalakay ang mga kaganapan, mga problema at hamon sa pamamahayag hinggil sa katatapos na makasaysayang automated elections.
Ito at dinaluhan ng halos 100 mag-aaral sa pamamahayag mula sa ibat-ibang pamantasan sa kalakhang Maynila.
Ang dalawang mamamahayag sa Gitnang Luzon na nakabilang sa unang batch ng JVOJS Fellows ay si Tonette Orejas ng Philippine Daily Inquirer na nagsisilbi ring consultant sa CLTV 36, ang unang pang rehiyong himpilan ng telebisyon sa Gitnang Luzon.
Nakasama rin sa JVOJS Fellows si Dino Balabo na nagsusulat ng balita sa mga pahayagang Mabuhay na nakabase sa Bulacan, Philippine Star, Punto Central Luzon at Central Luzon Business Week. Si Balabo na ngayon ay nagtuturo sa Bulacan State University ay napabilang din sa unang batch ng Civic Journalism Fellows ng Philippine Press Institute (PPI) at The Coca-Cola Export Corporation noong 2006.
Ang iba pang JVOJS Fellows ay sina Nini Cabaero ng Sun.Star Network Exchange na nakabase sa lungsod ng Cebu, Kara Patria David ng GMA Network Inc, Lingao ng PCIJ, Benjie Oliveros ng Bulatlat.com, Alcuin Papa ng Philippine Daily Inquirer, Darwin Wally Wee ng Mindanao na nagsusulat sa BusinessWorld.
Ayon kay Melinda Quintos De Jesus, ang executive director ng CMFR, ang unang batch ng JVOJS Fellows ay napili dahil sa kanilang karanasan at kakayahan sa mataas na antas ng pamamahayag, bukod pa sa kanilang kredibilidad at integridad o katapatan sa responsableng pamamahayag.
Idinagdag pa ni De Jesus na ang bilang ng mga JVOJS Fellow ay madadagdagan pa sa mga susunod na taon kaugnay ng taunang pagsasagawa ng JVOJS, at iba pang mga talakayan hinggil kalagayan ng pulitika, kaunlaran at pamamahayag sa bansa.
Ang unang batch ng JVOJS Fellows ay pinili ng isang lupon na binubuo ng mga guro sa pamamahayag, at mga beteranong mamamahayag na nagnomina sa mga mamamahayag na nakabase sa kalakhang Maynila at mga lalawigan.
Bukod dito, ang ilan sa mga na-nomina ay batay sa pagmomonitor na isinagawa ng PJR Reports, ang flagship publication ng CMFR na nagmonitor sa mga mamamahayag at nagbibigay ng pagkilala sa magagandang ginagawa bukod sa pagbibigay pansin sa mga kakulangan ng mga mamamahayag sa pagtupad sa kanilang trabaho.
Ang unang batch ng JVOJS Fellow ay pinagkalooban ng sertipiko ng pagkilala at premyong salapi matapos ang JVO journalism seminar.
Ang JVO journalism seminar ay ang pangunahing gawain kaugnay ng taunang Jaime V. Ongpin Awards for Excellence in Journalism na sinimulan noong 1995.
Ang pagsasagawa ng seminar sa taong ito ay isang patuloy na pagpaparangal sa alaala ni Jaime V. Ongpin, isa sa mga nagsulong ng malayang pamamahayag sa panahon ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Si Ongpin ay nagsilbi ring Kalihim ng Pananalapi sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.