OLONGAPO CITY — Kritikal sa pagamutan ang dalawang kawani ng LBC Main Office makaraan ang mga ito ay holdapin at pagbabarilin ng di pa kilalang riding-in-tandem sa Barangay Old Cabalan kahapon ng umaga sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Reynaldo Francisco, 35, messenger, residente ng San Juan, Sta. Rita, Pampanga at Roberto Alejos Jr, 35, residente ng Botolan, Zambales. Ayon sa ulat magbubukas pa lamang ng kanilang opisina ang dalawang biktima ganap na alas 7:45 ng umaga nang masundan ito ng mga suspek at nagdeklarang holdap.
Tinangay ng mga suspek ang may P83,927.50 na kanilang branches. Bago tumakas ang mga suspek, pinaulanan pa ng bala ang mga biktima. Patuloy ang isinasawang imbestigasyon ng Olongapo City PNP hinggil sa nasabing insidente.