2 ina humihingi ng katarungan para sa pinaslang na 2 anak

    315
    0
    SHARE

    ABUCAY, Bataan – Dalawang pighating ina ang humihingi ng katarungan para sa kani-kaniyang anak na hinihinalang biktima ng summary execution na natagpuan noong isang araw sa magkahiwalay na lugar dito.

    Ang dalawang biktima, isang babae at isang lalake, ay parehong nakatali ng alambre sa dalawang kamay patalikod, nababalutan ng masking tape ang buong mukha at bibig at may tali ng alambre sa leeg.

    “Humihingi ako ng katarungan para sa aking anak na walang awang pinatay na wala akong alam na kasalanan,” ani ng ina nina Mhae (hindi tunay na pangalan), 24, ng barangay Wawa, Pilar, Bataan at ina ni Rolando Zuniga, 27, nagtatrabaho sa parlor, ng barangay Kataasan, Dinalupihan, Bataan.

    Nakiusap ang ina ni Mhae na huwag ipakita ang buong mukha at banggitin ang pangalan ng kanyang anak na walang awang pinaslang at umano’y buntis pa.

    “Wala akong alam na kagalit ang aking anak,” pahayag naman ni Merceditas Zuniga, ina ni Rolando.

    Natagpuan ang bangkay ni Mhae sa tabi ng ilog malapit sa mga kabahayan at daungan ng mga bangka sa barangay Wawa, Abucay, Bataan. Hinihinalang ipinaanod ang katawan nito at napadpad sa tabi ng isang bahay sa gilid ng ilog.

    Ang katawasn naman ni Zuniga ay nakita sa isang damuhan sa gilid ng kalsada ng barangay Salian, Abucay na malapit sa Roman Expressway dito.

    Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya, sabi ni PO2 Rommel Lingad, Abucay police investigator.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here