BOTOLAN, Zambales – Patay na ng makuha ng mga tauhan ng Zambales police ang dalawang hunters matapos ang mga ito ay malunod sa lawa sa barangay Malomboy, sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Inspector Michael Chavez, hepe ng Botolan police station, ang mga biktimang sina Joelito Salimbacod, 46, at Jason Sorima, 19, alyas Jek-Jek, pawang mga residente ng barangay Usuan, Taguig City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa nasabing lugar ang mga grupo ng hunters kasama ang mga biktima para mag-hunting ng mga wild animals.
Ayon sa mga nakakita sa insidente, tinangkang languyin ni Sorima ang gitna ng lawa, subalit hindi nito nakayanan lumangoy hanggang sa malunod.
Sinikap namang isalba si Sorima ng kanyang kasamang si Salimbacod subalit hindi rin nito nakayanan at kasama itong nalunod.
Maging ang ilang grupo ng mga hunters ay nagsumikap na maisalba ang kanilang kasamahan, subalit daglian itong naglaho na parang bula.
Sa tulong ng Masinloc Scuba Divers at ni Chief Inspector Rogelio Penones ng Zambales Provincial Investigation and Detective Management Branch na siyang nanguna sa pagsisid sa may 45 feet na lalim ng lawa, kaagad na narekober ang bangkay ng mga biktima.