2 huli sa illegal logging

    374
    0
    SHARE

    IBA, Zambales – Arestado ang dalawang kalalakihan nang maaktuhan ang mga ito ng mga tauhan ng Zambales PNP na magdedeliber ng uling sa kanilang mga customer sa bayang ito.

    Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Zambales Police Provincial Office (ZPPO) director, Senior. Supt. Francisco Santiago, Jr., nakilala ang mga suspek na sina Joel Josafat, 30, driver, residente ng Sitio Baliguen, Dirita, Iba, Zambales at Ronel Verano, 40, ng Baranagay San Nicolas, San Antonio, Zambales.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang may 112 sako ng uling sakay sa isang Izuzu Elf na may plakang TFU-893 na minamaneho ni Josafat.

    Ang mga suspek ay nasa custody ng Iba Municipal Police Station at ipinagharap na sa kasong paglabag sa PD 705.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here