LUNGSOD NG MALOLOS – Dalawa katao ang arestado at mahigit sa 2,000 kilo ng hinihinalang karneng botya ang nakumpiska sa magkahiwalay na checkpoint sa Bulacan nitong nagdaang Sabado at Linggo.
Ang mga inaresto ay nakilalang sina Eduardo Flores ng Marilao at Domingo Vargas ng bayan ng Bustos.
Ayon kay Senior Supt. Wendy Rosario, acting provincial police director ng Bulacan, si Flores ay naaresto sa isang checkpoint sa kahabaan ng Blas. F. Ople Diversion Road sa Barangay Bulihan ng lungsod na ito noong Linggo, bandang alas 2 ng madaling araw matapos pigilan ng pulisya at mga kinatawan ng Provincial Veterinary Office (PVO) ang kanyang minamanehong freezer van.
Natuklasan sa van ang mahigit 1,500 kilong karneng baboy na nasa loob ng 85 kahon na may nakasulat na “Made in USA.”
Ang mga nasabing karne ay ihahatid sana ni Flores sa palengke ng Hagonoy, at wala siyang naipakitang kaukulang dokumento.
Ito ang ikalawang insidente ng pagkakumpiska sa imported meat sa lungsod ng Malolos sa loob ng limang araw.
Matatandaan na noong Miyerkoles ay nakumpiska sa palengke ng Malolos ang may 300 kilo ng imported pork.
Sa bayan ng San Rafael, dinakip din sa checkpoint si Domingo matapos na matuklasan na ang kanyang minamanehong Hyundai van na may plakang XBZ 553 ay naglalaman ng mahigit sa 300 karneng botya.
Sa imbestigasyon ng pulisya, natuklasan na ang nasabing karne ay pag-aari ng isang Yolly Cruz mula sa bayan ng Bustos.
Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay sasampahan ng kaso sa paglabag sa panlalawigang ordinansa na nagbabawal sa pagbibiyahe at pagbebenta ng mga karneng botya.
Ang mga nasabing karne ay agad na sinunog ayon sa itinatakda ng panlalawigang ordinansa.
Una rito, pinagmalaki ng PVO at mga market master na walang karneng botya ang ibinebenta sa alinmang palengke sa Bulacan.
Sinabi rin ng PVO na tanging ang lalawigan ng Bulacan ang mayroong ordinansa laban sa botya na mahigpit na ipinapatupad.