PULILAN, Bulacan—Patay ang dalawang lalaking hinihinalang kasapi ng notoryus na Jomar Dela Cruz holdap gang matapos makipagpalitan ng putok sa pulisya noong Martes ng gabi.
Isa sa mga suspek ang kinilala ni Supt. Myrna Reyes, hepe ng pulisya ng bayang ito, na si Joma Dela Cruz, lider ng holdap gang, samantalang isa pang kasama nito ang hindi pa nakikilala.
Ang nasabing grupo ay karaniwang nambibiktima ng mga Indian National sa Bulacan at ayon sa pulisya, hindi bababa 30 kaso ng panghoholdap ang kinasasangkutan ng mga ito.
Batay sa ulat ng pulisya, nangholdap pa sa lungsod ng Malolos ang grupo noong Lunes at balak ng mga itong holdapin ang isang restoran sa Barangay Poblacion ng bayang ito kung saan sila ay kumain muna bandang alas 11 ng gabi.
Ngunit naagapan ito ng pinagsanib na elemento ng pulisya mula sa Malolos at bayang ito.
Nagkapalitan ng putok at ilang sandali pa ay walang buhay na bumulagta si Dela Cruz.
Nakarekober ang pulisya ng dalawang kalibre .38 rebolber mula sa mga suspek at hindi pa matukoy na halaga ng pera.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.