Home Headlines 2 environmentalists nanindigan na dinukot sila ng militar

2 environmentalists nanindigan na dinukot sila ng militar

641
0
SHARE
Ang naganap na pulong balitaan ng AFP, NTF-ELCAC, Plaridel LGU at dalawang aktibista na sina Jonila Castro at Jhed Tamano. Kuha ni Rommel Ramos

PLARIDEL, Bulacan —- Iniharap sa media nitong Martes ng Armed Forces of the Philippines, NTF-ELCAC at Lokal na Pamahalaan ng Plaridel, ang dalawang environmentalists na napaulat na dinukot kamakailan sa Orion, Bataan.

Ayon kay Lt. Col. Ronnel Dela Cruz, commanding officer ng 70th Infantry Battalion, nagbalik loob sa gobyerno ang mga nawawalang sina Jonila Castro at Jhed Tamano na pawang mga miyembro ng AKAP KA Manila Bay.

Aniya, sina Castro at Tamano mismo ang humiling na humarap sa media para matapos na ang isyu ng pagdukot sa kanila ng militar at sa halip ay dumaan sa legal na proseso ang kanilang pagsuko.

Pero nabago ang lahat nang magsalita sina Castro at Tamano at nanindigan na dinukot sila ng militar noong gabi ng Sept. 2.

Kwento ng dalawa na noong una ay inakala nilang sindikato ang dumukot sa kanila at sapilitang isinakay sa isang van at piniringan.

Pero walang tigil na nterogasyon daw ang ginawa ng mga abductors na nagpakilalang umanong mga nasa hanay ng militar at Special Action Force.

Matapos ang nasabing pulong balitaan, ayon sa NTF-ELCAC ay pinag-uusapan pa kung sino ang magkokostodiya sa dalawang estudyante.

Samantala, nagpiket naman sa harap ng munisipyo ng Plaridel ang mga kaklase nina Castro at Tamano mula sa Bulacan State University at isinisigaw na palayain na ng gobyerno ang mga ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here