Home Headlines 2 Bulakenyang silver medalist sa SEA Games kinilala

2 Bulakenyang silver medalist sa SEA Games kinilala

469
0
SHARE
Sina Meri Ann Geli Bulaong (gitna) at Jack Danielle Santo Tomas Animam (kanan) kasama si Malolos Mayor Christian D. Natividad. Photo courtesy: Malolos CIO

LUNGSOD NG MALOLOS — Dalawang Bulakenya ang nakasungkit ng parehong silver medal sa katatapos lang na 32nd Southeast Asian Games ang binigyan ng pagkilala ng lokal na pamahalaan.

Si Meri Ann Geli Bulaong ng Barangay Bagong Bayan ay nanalo ng silver medal sa Kun Bokator Women’s Combat, 60kg. Silver medalist din sa 3×3 at 5×5 Women’s Basketball si Jack Danielle Santo Tomas Animam ng Barangay Lugam. 

Sila ay kinilala ng pamahalaang lungsod ng Malolos sa kanilang inuwing karangalan sa larangan ng pampalakasan hindi lang sa Bulacan kundi sa buong bansa. Nakatanggap din sila ng cash incentives mula sa Malolos LGU.

Lubos naman ang kagalakan ng dalawang atleta sa kanilang naiuwing karangalan at nagpasalamat din sila sa suporta ng mga kapwa Malolenyo at Pilipino.

Bukod kina Bulaong at Animam ay sasabak din ang mga Malolenyang sina Abbie Nuevo ng Barangay Tikay na kakatawan sa Malolos City para sa 4th World Deaf Table Tennis Championship na gaganapin sa Taipei simula July 8, at si Khryss Nichole Go ng Barangay Mojon, ang pambato ng lalawigan ng Bulacan para sa Ms. Aura Philippines na gaganapin sa June 3 sa Makati City

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here