Home Headlines 2 barangay sa Bataan muling binaha

2 barangay sa Bataan muling binaha

746
0
SHARE

Barangay Daungan, Hermosa. Kuha ni Ernie Esconde


 

HERMOSA, Bataan  — Isang araw pa lamang nawawala ang baha sa bayang ito nang muling bahain ang dalawang barangay dito ngayong Lunes  na ang lalim ay lampas-tuhod.

Ang muling binaha ay bahagi ng Barangay Daungan na noong Sabado ay hanggang beywang ang lalim ay mula binti hanggang tuhod ngayon. Ang Barangay Almacen naman na halos hanggang dibdib ang baha noong Sabado ay lampas-tuhod ang lalim ng tubig ngayon. 

Bangka ang nananatiling sasakyan paalis at palabas ng Almacen.

Sinabi ng mga residente ng dalawang barangay na nawala na ang baha sa kanila noong Linggo ngunit pagdating ng madaling-araw ngayong Lunes ay nalubog na naman ang kanilang mga bahay.

“Naglinis lang kami kahapon (Linggo) at pagkayari nilubog na naman kami. Ala-una ng umaga paggising namin, lubog na naman kami,” sabi ni Vicky David, residente ng Daungan.

“Ngayon hanggang tuhod ang baha sa Almacen na nagsimula ala-una y media ng umaga. Kamakalawa ay wala na, humupa na,” saad ni Efren Canlas.

Patuloy naman ang paglilinis ng putik sa Brangay A. Rivera na katabi ng Daungan at Alamcen.

“Kahapon lang nawala ang tubig kaya ngayon lang kami naglilinis. Noong Sabado hanggang beywang ang baha dito sa A. Rivera,” sabi ni kagawad Edwin Dequina.

Walang baha ngayong Lunes sa nasabing barangay. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here