CALUMPIT, Bulacan – Ikinagulat ng ilang depositor ng Bangko Rural ng Kalumpit (Bulacan) INK. ang biglaang pagsasara nito noong nakaraang Lunes.
Ayon kay Fe Francia, depositor ng naturang bangko, nagulat siya sa biglaang pagsasara ng naturang bangko.
Aniya, nagtungo siya rito ngayong umaga upang mag-withdraw sana ng kanyang dinepositong pera matapos mabalitaan na sarado na ang bangko.
Napag-alaman naman ng Punto na pansamantala muna itong pangangasiwaan ng Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC.
Batay sa resolution no. 553 na ipinalabas ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas na may petsang ika-17 ng Abril, 2009 ay pinagbawalan ang operasyon ng Bangko Rural ng Kalumpit (Bulacan) INK. na may sangay sa bayan ng Calumpit at Guiguinto, Bulacan alinsunod sa Section 30 ng Republic Act no. 7653 o ang New Central Bank Act.
At epektibo noong ika-20 ng Abril ay inanunsyo na nga sa publiko na ang naturang mga bangko ay pansamantalang nasa ilalim ng pangangasiwa ng PDIC.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng pag-iimbentaryo at pag-aaral sa naturang mga bangko ang mga kawani ng PDIC.
Ayon sa anunsyo ng PDIC, nakasalalay sa estado ng mga makukuhang records at dokumento ng naturang mga bangko ang itatagal ng kanilang ginagawang pag-aaral bago ipaalam sa publiko na maari na nilang makuha ang kanilang mga naidepositong pera dito.
Ngunit ayon sa kinatawan ng PDIC hintayin na lamang ni Francia ang kanilang ilalabas na anunsyo kung kalian nito makukuha ang kani-kanilang mga pera sa sandaling maisaayos na ang imbentaryo dito.
Ngunit ayon kay Francia, natatakot na siyang magdeposito ng pera sa mga bangko dahil sa mga insidenteng tulad nito na biglaang pagsasara.
Hindi naman sinabi ng PDIC kung ano ang dahilan ng pagsasara ng naturang dalawang bangko sa Bulacan.