SUBIC, Zambales – Patay ang isang 5-anyos na batang lalaki, samantalang ang nakababatang kapatid nitong babae ay nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan matapos ang mga ito ay pinag-gigilitan ng leeg ng sarili nilang nanay sa Barangay Calapacuan sa bayang ito.
Kinilala ni Chief Inspector Arnel Dial, hepe ng Subic police Station ang nasawing biktima na si John Phellip Lamsin. Kritikal naman sa pagamutan ang kapatid nitong si Valerie Nicole Lamsin, 2-anyos, pawang mga residente ng Manangan St., Purok 3A sa nasabing lugar.
Ang mga biktima ay pawang mga nagtamo ng laslas sa leeg matapos itong gilitan ng kanilang nanay na nakilalang si Tessie Amado, 29.
Ayon sa ulat alas-8 ng gabi ng magtungo ang lola ng mga biktima na si Valentina Lamsin sa kanilang bahay, subalit sarado ito at ng sumilip sa bintana laking gulat ng makita na ang mag-iina ay naliligo na sa sariling dugo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, matapos na gilitan ng suspek ang leeg ng kanyang dalawang anak ay ginilitan din nito ang kanyang leeg at ito ngayon ay nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan.
Lumilitaw pa sa imbestigasyon na dala ng kahirapan sa buhay ang madalas na pag-aawayan ng suspek at ng kanyang mister at ang napagtutuunan ng galit ay ang kanilang mga anak.
Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong Parricide.