1st Kite Festival sa Bataan inilunsad

    464
    0
    SHARE
    ABUCAY, Bataan – Ginanap kamakailan ang natatanging kite festival dito na kauna-unahan sa Bataan upang ipakita umano ang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng malayang paglipad sa himpapawid ng iba’t-ibang hugis at laki ng mga saranggola.

    Umabot sa 19 na saranggola na ang pumaimbulog sa kalawakan na ang iba’y saglit lamang na lumipad at bumagsak sa lupa.

    Wiling-wili ang maraming tao na sakay ng tricycle at ibang sasakyan sa pagtingala habang tila mga ibong masasayang lumilipad ang mga saranggola sa ibabaw ng Abucay Mega Market.

    Ang mga saranggola na tinatawag ding burador at boka-boka ay may hugis pating, rocket, bandila, sea horse, eroplanong tora-tora, batman, jeepney at iba pa na yari sa kawayan, papel at plastic. May mga pangalang shark plane, Tapulao rocket, Bat-aan at iba pa.

    Ang proyekto na inaasahang gagawin na taon-taon ay nasa pangangasiwa ng “Nilikhang Iba”, isang gay organization sa Abucay, sa pakikipagtulungan sa pamahalaang local sa ilalim ni Mayor Ana Santiago.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here