1st Bulacan-Pampanga friendship day ipagdiriwang ngayon

    367
    0
    SHARE
    HAGONOY, Bulacan—Ipagdiriwang ngayon ng Bulacan at Pampanga ang araw ng pagkakaibigan, 438 taon matapos magsanig ang kanilang mga mandirigma sa makasaysayang Labanan sa Bangkusay.

    Ang pagdiriwang ay isasagawa sa harap ng munisipyo ng bayang ito sa ganap na ika-7 ng umaga na susundan ng isang pang-rehiyong kumperensiya kung saan ay ilalahad ang mga pananaliksik ng mga historyador hinggil sa Labanan sa Bangkusay noong Hunyo 3, 1571.

    Ayon sa mga historyador, ang Labanan sa Bangkusay ay ang kauna-unahang pakikidigma ng mga Pilipino para sa kalayaan laban sa mga Kastila.

    Batay sa pananaliksik ng mga historyador, 2,000 mandirigma mula sa bayang ito at kalapit na bayan ng Macabebe, Pampanga ang sumakay noon sa 40 caracoa o bangkang pandigma at naglayag patungo sa Bangkusay sa baybayin ng Maynila.

    Pagdating nila sa Bangkusay, nakasagupa ng mga mandirigmang Pilipino ang puwersa nina Juan Salcedo at Martin de Goiti.

    Madugo ang sagupan na naging sanhi ng pagkamatay ng daan-daang mandirigma kabilang ang isang Datu mula sa bayang ito.

    Kaugnay nito, idineklara ni Gob. Joselito Mendoza ng Bulacan ang Hunyo 3 ng bawat taon bilang araw ng pagkakaibigan ng mga Bulakenyo at mga Kapampangan matapos itong pagtibayin ng Sangguniang Panglalawigan.

    Ito ay isa ring daan sa paggunita sa Labanan sa Bangkusay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here