Home Headlines 1Bataan Mega Q facility pinasinayaan

1Bataan Mega Q facility pinasinayaan

1191
0
SHARE

Ang 1Bataan quarantine at isolation facility habang binabasbasan ng isang pari. Kuha ni Ernie Esconde



ORANI, Bataan
Pinasinayaan ngayong Biyernes ang malaki at magandang 1Bataan central processing at quarantine facility para sa coronavirus disease sa bayang ito.

Ang four-storey building ay matatagpuan sa malawak na 1Bataan Command Center compound malapit sa Roman Highway.  

Pinangunahan ni Gov. Albert Garcia ang simpling inauguration at blessing ng pasilidad na tinawag niyang 1Bataan Mega Q na may bed-capacity na 300 na bukod sa processing at quarantine facility ay meron ding isolation center.

Sa Mega Q natin ipo-process ang mga kababayan nating overseas Filipino workers, locally stranded individuals na umuuwi para masiguradong walang dalang Covid-19 bago natin i-endorso sa kanilang mga mayor at mga municipal health officer at bago tuluyang makauwi sa kanilang tahanan, sabi ng governor.

“Magiging safe ang bawat isa lalo na ngayong panahon ng Pasko na uwian ng mga tao sa kanilang pamilya,” dagdag pa nito.

Maluwag, aniya, ang facility na may isolation center na kung saan ang mga magpopositibo sa virus at may mild at asymptomatic cases ay puwedeng manatili ng 10 hanggang 14 na araw.

“Tamang-tama ang facility na ito dahil isasauli na natin ang mga hotel at resorts na hiniram natin upang gamiting quarantine facility noong mga unang buwan nitong taon dahil kailangan nang magbukas ng ekonomiya, kailangan nang manumbalik ng kanilang negosyo at makapagbigay ng trabaho para sa ating mga kababayan, sabi ni Garcia.

Sa kakulangan ng quarantine facility, napilitan ang provincial government na hiramin ang ilang hotel at resort sa lalawigan, kabilang ang ilang pampublikong paaralan. Ngayon, aniya, dahil tapos na ang Mega Q, isasauli na ang mga hotel at resort sa mga may-ari at ang mga paaralan sa Department of Education.

Ipinaaabot ng governor ang kanyang pasasalamat sa mga hindi nagdamot na ipahiram ang kanilang pag-aari sa panahon ng pandemya.

“Ang Mega Q ang aako doon sa mga isasauling mga pasilidad para maayos itong laban against Covid-19 na tamang-tama magpa-Pasko. May babala ang Department of Health at Department of Interior and Local Government na baka tumaas na naman ang kaso ng Covid19 dahil mag-uuwian ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang lugar,” sabi ng governor.

Hindi naman natin masasabi dahil invisible nga ito, hindi natin masasabi kung sino ang may dala ng virus. Patuloy ang gagawin nating pag-iingat, pagiging alisto at pagpraktis ng mga health protocols para huwag nang magkaroon ng panibagong surge ng Covid-19 sa ating bayan.” sabi ni Garcia.

Bukod sa governor, dumalo rin sa inagurasyon sina 2ns District Rep. Jose Enrique Garcia 3rd, Vice Gov. Crisanta Garcia at mga mayor sa pangunguna ng pangulo ng Bataan League of Municipalities na si Dinalupihan Mayor Maria Angela Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here