19 mayor ng NE muling nahalal

    432
    0
    SHARE

    CABANATUAN CITY – Umabot sa 19 na kasalakuyang alkalde ang muling nahalal para sa bagong tatlong taon na panungkulan sa katatapos na May 13, 2013 elections.

    Kabilang sa kanila sina Mayor Julius Cesar Vergara ng lungsod na ito at Mayor Marivic Belena ng San Jose City.

    Nagwagi sa kanilang reeleksiyon sina Mayor Gloria Crespo-Congco ng Cabiao, Amado Corpuz Jr. ng Cuyapo, Rolando Bue (Gabaldon), Virgilio Bote (Gen. Tinio), Boyito Dizon (Guimba), Santiago Austria (Jaen), Alvaro Daus (Laur), Wilfredo Domingo (Licab), Lorna Vero (Llanera), Richard Ramos (Lupao), Ubaldino Lacurom (Nampicuan), Ferdinand Abesamis (Penaranda), Cesario Lopez Jr. (San Isidro), Josefino Angeles (Sta. Rosa), Leonido de Guzman (Sto. Domingo), Quintino Caspillo Jr. (Talugtug) at Lovella Belmonte-Espiritu (Zaragoza).

    Maituturing na panlimang termino na ni Vergara ang kanyang panalo dahil ito ang kanyang ikalawang termino matapos ang unang tatlong termino bilang alkalde ng lunsod na ito na itinuturing na sentro ng komersiyo at edukasyon ng Nueva Ecija. Naunang nahalal si Vergara noong 1998 at muling nanalo noong 2001 at 2004 elections.

    Pangatlong termino naman ito ni Belena.

    Tatlo sa mga kasalakuyang alkalde ang tumakbo na walang kalaban. Sila ay sina Angeles, Bote at Domingo.

    Kabilang sa mga nakaupong alkalde na natalo sa nagdaang halalan sina Christian Tinio ng Gapan City, Arvin Salonga ng San Antonio at Romeo Borja Sr. ng Pantabangan.

    Nasa huling termino na kaya’t tumakbo sa ibang posisyon sina Palayan City Mayor Romeo Capinpin at Marcial Vargas ng Aliaga, Nueva Ecija pero kapwa sila natalo sa pagka-bise alkalde.

    Si Capinpin ay tinalo ni incumbent Coun. Florante Mercado na anak ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado samantalang si Vargas ay natalo kay Alfredo Domingo.

    Si San Leonardo Mayor Froilan Nagano ay piniling tumakbo sa pagka-kongresista ng ika-4 na distrito ng Nueva Ecija pero natalo kay Magnolia Antonino-Nadres, anak ni outgoing Rep. Rodolfo Antonino.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here