Home Headlines 18 mountaineers sinagip matapos kuyugin ng honey bees

18 mountaineers sinagip matapos kuyugin ng honey bees

857
0
SHARE

Ilan sa mga rescue team na pinangunahan ni punong barangay Dante Malimban (nakaupo kanan). Contributed photo



MARIVELES, Bataan
Labingwalong mountaineers ang kinuyog ng mga wild honey bees habang nasa itaas ng isang bahagi ng Tarak Ridge sa Barangay Alas-asin sa bayang ito Sabado.

Sinabi nitong Linggo ni Alas-asin punong barangay Dante Malimban na nang makita nila ang mga mountaineers, ang mga ito ay nanlalambot sa dami ng kagat ng mga honey bee at pati ang isang aso na kasama ng mga ito ay pinagkakagat din.

Ang isang babae aniya na si Jimalyn Barte ng Calasiao, Pangasinan ay napuruhan at nagsusuka at sumakit ang tiyan. Ang iba ay may naiwan pang bee sting sa kanilang katawan.

Matapos umano nilang masagip, ang mga ito ay diniretso sa barangay Cabcaben, Mariveles upang mabigyan ng pang-unang lunas.

Ang mga mountaineers ay nagmula sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan.

Sinabi ni Malimban na umakyat sa Tarak Ridge ang mga mountaineers alas-3:30 ng madaling araw ng Sabado matapos magparehistro sa kanilang barangay.

Nang nasa itaas na ang mga ito ay naka-encounter ng mga pukyutan kaya nagkahiwa-hiwalay at nahati sa dalawang grupo na may tig-iisang tour guide mula sa barangay.

May tumawag umano sa barangay bandang alas-10 ng umaga na may naligaw sa Tarak Ridge kaya nagpadala siya ng rescue team, ambulance, medics at mga barangay tanod.

Naibaba ng mga rescue team ang mga mountaineers sa barangay hall ng Alas-asin Sabado ng gabi.

“Bago sila umakyat ng bundok, dumaan muna sila sa aming barangay hall para sa registration. Kung sila ay mga first timer, hindi namin sila pinapayagang paakyatin kung walang kasamang tour guide para na rin sa kanilang kaligtasan. May mga tour guide kami na pwedeng tumulong sa kanila na makarating sa peak ng Tarak Ridge o sa Papaya River para hindi sila maligaw, sabi ni Malimban.

Para sa kaalaman ng mga umaakyat, maging maingat, gawing laging malinis ang Mt. Tarak Ridge. Kapag may mga dalang pagkain, basura, plastic o balat ng kung ano-ano ay huwag basta iiwan doon dahil isa itong dinarayo na tourist spot sa aming lugar, patuloy ng punong barangay.

Nagpasalamat siya sa lahat ng tumulong at rumisponde sa mga nagkahiwa-hiwalay na mountaineers tulad ng kaniyang chief of staff, deputy barangay tanod, at sa iba pa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here