Home Headlines 17 katutubong kababaihan sa Subic sinanay sa Cogon Processing

17 katutubong kababaihan sa Subic sinanay sa Cogon Processing

531
0
SHARE

IBA, Zambales (PIA) — May 17 katutubong kababaihan sa Subic, Zambales ang sinanay ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Cogon Processing.

Ito ay sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program ng ahensya.

Ayon kay DTI Zambales Senior Trade and Industry Development Officer Neil John Fabay, layunin ng pagsasanay na makagawa ng mga bagong produkto mula sa cogon upang mabigyan ng hanapbuhay ang mga benepisyaryo.

Sinanay ang mga katutubong kababaihan sa paggawa ng basket, plate holder, at iba pang mga kagamitan.

May 17 katutubong kababaihan sa Subic, Zambales ang sinanay ng Department of Trade and Industry sa Cogon Processing. (DTI Zambales)

Itinuro rin sa kanila ang pricing and costing upang maging tama ang presyo ng kanilang produkto sa merkado at marketing upang malaman nila ang tamang pagbenta ng nagawang produkto.

Pagkatapos ng pagsasanay ay sasailalim naman sa product development ang kanilang mga gawa upang mapabuti pa ang mga ito at mabigyan ng product branding na makakapagbigay ng natatanging tatak sa kanilang produkto.

Tutulungan din aniya ng DTI ang mga benepisyaryo sa market development sa pamamagitan ng market matching at trade fair pati na rin sa business consultancy. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here