Home Headlines 17 doctors, 32 nurses nag-quarantine matapos ma-expose sa Covid patient

17 doctors, 32 nurses nag-quarantine matapos ma-expose sa Covid patient

860
0
SHARE

OLONGAPO CITY — Nag-quarantine simula Lunes ang 17 doctors at 32 nurses ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) dito matapos ma-exposed sa isang pasyente na nagpositibo sa Covid-19.

Ayon kay Dr. Jewel Manuel, administrator ng JLGMH, 70 porsiyento ng resident doctors, 50 porsiyento sa surgery, at 25 hanggang 30 porsiyento ng mga nurses ang nasa isolation, na makakaapekto sa operasyon ng hospital.

Na-exposed ang mga ito sa isang 75-anyos na babae na naunang nadiagnosed na may chronic kidney disease at na-admit sa hospital noong July 29. Sumailalim ito sa RT-PCR test at lumabas ang resulta na negatibo ito sa Covid noong July 31.

Ang pasyente ay dinala sa regular ward at tumagal ito ng dalawang linggo na ayaw magpa-dialysis. Nang hindi na nito makayanan ang gamot na ibinibigay sa kanya, pumayag na itong sumailalim sa dialysis noong August 13 at 15. Bilang bahagi ng protocol ng hospital pina-swab test ito noong August 15, at lumabas sa pagsusuri na positibo na ito sa Covid-19 kahapon, August 17. Nagkaroon ng sintomas at muli itong ibinalik sa Covid ward.

Ayon pa kay Dr. Manuel, ang mga health workers na nagkaroon ng direct contact sa pasyente ay 10 resident doctors, anim sa surgery, isa sa dialysis unit, at 32 nurses.

Pansamantalang isasara ang surgery, medicine ward, at dialysis center ng tatlong araw para sa gagawing daily disinfection.

Bagamat tiniyak pa din ni Dr. Manuel na patuloy pa rin ang operasyon ng kanilang hospital sa kabila ng kakulangan ng mga doktor at nurses.

Nagsagawa na rin ng contact tracing ang city health office sa iba pang nakasalamuha ng pasyente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here