Si Jonard Saim ng Zamba Tri Team na nanguna sa finished line.
Kuha ni Johnny Reblando
SUBIC, Zambales – Nasungkit ng Team Zambales ang una at ikatlong puwesto sa katatapos na 8th Whiterock Triathlon na nilahukan ng may 160 atleta na ginanap sa Whiterock Beach Resort dito.
Sinimulan ang kumpetisyon sa dalawang kilometrong paglangoy sa loob ng beach resort, 91 kilometrong pagbibisikleta mula sa Subic hanggang sa Cabangan pabalik at 20 kilometrong pagtakbo mula Subic papasok sa loob ng SBMA at pabalik sa finished line sa loob ng Whiterock Beach Resort.
Nanguna si Jonard Saim, 23-ayos ng Zamba Tri Team; pumangalawa si George Vilog, 38, ng Century Tuna-Trihard at pumangatlo si John Chicano, 23, ng Zamba Tri Team.
Ayon kay Saim, natutuwa siya sa kaniyang ikalawang pagkapanalo dahil maipagmamalaki niya ito sa Zambales.
Idinagdag pa ni Saim na pang-apat siya ng lumaro ito sa Iron Man sa Camarines Sur nitong buwan ng Agosto.
Ayon naman kay Vilog na siyang pumangalawa, mahirap ang sumabak sa kumpetisyon tulad nito ng wala kang sapat na training. Aniya, okey lang medyo hirap man siya sa mga kalaban lalo na yung paakyat at pababa sa zigzag ngunit bahagi parin ito ng laro.
Ikinatuwa naman ni John Chicano ng Zamba Tri Team sa pagkakasungkit nito sa ikatlong puwesto. Aniya, pangalawang laro na niya ito at ang una ay sa Taiwan nitong nakalipas na linggo kung saan pang-15 siya sa over all sa talaan ng mga atletang nagwagi.