Home Headlines 16 pick-up bigay ng LGU sa PNP

16 pick-up bigay ng LGU sa PNP

1162
0
SHARE

Si Mayor Myca Elizabeth Vergara at Brig. Gen. Rhodel Sermonia sa simpleng turn-over ng 16 pick-up. Contributed photo


 

CABANATUAN CITY Labinganim na pickup truck ang ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod ng Cabanatuan sa Cabanatuan City Police Station bilang mga bagong mobile units nitong Sabado, March 28.

Mismong si Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Rhodel Sermonia ang nanguna sa pagtanggap sa mga bagong Nissan Navara patrol car mula kay Cabanatuan City Mayor Myca Elizabeth Vergara.

Walang pormal na programang isinagawa sa turnover ngunit sa kanilang kaswal na pag-uusap ay binigyang diin ni Vergara ang importansiya ng PNP sa Cabanatuan City bilang frontliners lalo na sa umiiral na enhanced community quarantine kontra sa coronavirus disease 2019.

“Gusto ko ring magpasalamat sa inyong lahat. Sa totoo lang, napaka-importante talaga ng PNP sa Cabanatuan dahil siyempre kayo ang frontliners,” sabi ng alkalde, dahilan aniya kung bakit madalas silang nag-uusap ni city police director Lt. Col. Arniel Dial.

“Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang,” paniniguro ng suporta ni Mayor Vergara

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Sermonia. Napapanahon ito, ayon sa kanya, dahil sa isinasakatuparan na ECQ checkpoints.

“Actually itong pagbibigay ng mga sasakyan at mga kagamitan pa ng kapulisan dito sa siyudad ng Cabanatuan ay very timely, kasi we have established different checkpoints already along with the different agencies na ka-partner natin, ang Armed Forces din, para sa kinakaharap natin na napakalaking problema. Kailangan mabilis ang mobility natin,” ani Sermonia.  

Ibinalita rin niya na ang PNP ay nakatakdang magbigay pa ng karagdagang 24 na mobile patrol units sa Nueva Ecija.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here