Home Headlines 1,576 magsasaka sa Zambales, tumanggap ng ayuda mula sa DA

1,576 magsasaka sa Zambales, tumanggap ng ayuda mula sa DA

484
0
SHARE
May kabuuang 1,576 magsasaka Zambales ang tumanggap ng tig-limang libong pisong ayuda mula sa Department of Agriculture. (DA Central Luzon)

IBA, Zambales (PIA) — May kabuuang 1,576 magsasaka sa Zambales ang tumanggap ng tig-limang libong pisong ayuda mula sa Department of Agriculture o DA.

Ito ay sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance o RCEF-RFFA.

Ayon kay OIC-Provincial Agriculturist Crisostomo Rabaca, ang pondo ng RFFA ay nakabase sa kabuuang nakokolekta mula sa sobrang mga kita sa taripa ng RCEF batay sa Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law.

Layunin din aniya ng programang ito na matulungan ang mga lokal na magsasakang apektado sa pagbaba o pagkawala ng kita ng sakahan na nagmula sa taripa.

Paliwanag pa ni Rabaca, kinakailangang nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at nagmamay-ari o nagbubungkal ng palay na may dalawang ektarya pababa ang sukat ng sakahan upang maging kwalipikado sa tulong pinansyal.

Para naman sa pagkuha ng ayuda, pinaalahanan ang mga kwalipikado na magdala ng isang valid id at RSBSA Reference Number na ibinigay ng munisipyo bilang patunay. Hindi pinapayagan ng DA ang awtorisasyon sa pagkuha nito.

Maaring makuha ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng store payout kung saan ang mismong magsasaka ang pupunta sa Universal Storefront Services Corporation branch o ang payout caravan na magkakaroon ng set schedule sa bawat lugar para sa sabayang pagkuha ng ayuda

Humigit kumulang 16,074 magsasaka sa buong lalawigan ang inaasahang magiging benepisyaryo ng RCEF-RFFA ngayong taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here