Home Headlines 150 Botoleño, tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa DSWD

150 Botoleño, tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa DSWD

448
0
SHARE
May kabuuang 150 kwalipikadong benepisyaryo mula sa bayan ng Botolan ang tumanggap ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development. (Botolan LGU)

IBA, Zambales (PIA) – May 150 residente ng Botolan, Zambales ang tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Layunin ng Sustainable Livelihood Program na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga tulong na may kaugnayan sa serbisyo na pagpapalakas ng kakayahan, kasanayan, at karanasan ng mga benepisyaryo tungo sa mas kapaki-pakinabang sa negosyo at trabaho.

Ayon kay DSWD Project Development Officer II Lamberto Elijah Villanueva, layunin ng pag-abot ng livelihood settlement grants na maiparamdam sa mga benepisyaryo na may gobyerno para maiwasan na mahikayat sila na sumanib sa makakaliwang grupo.

Sila ay mula sa mga barangay ng Cabatuan, Maguisguis, Nacolcol, Poon Bato at Villar na nabibilang sa mga tinaguriang conflict-vulnerable areas.

Paliwanag ni Villanueva, bawat barangay ay may nabuong grupo na binubuo ng 30 miyembro kung saan nakatanggap bawat isa ng tig-10 libong piso.

Aniya, ang pinansyal na tulong na ito ay magagamit nila bilang pamuhunan para sa itatayong negosyo o kabuhayan na kanilang napili. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here