Home Headlines 15 magsasaka sa San Narciso sumailalim sa pagsasanay sa Rice Wine Processing

15 magsasaka sa San Narciso sumailalim sa pagsasanay sa Rice Wine Processing

825
0
SHARE

IBA, Zambales (PIA) — May 15 magsasaka sa San Narciso, Zambales ang sumailalim sa pagsasanay sa Rice Wine Processing na inorganisa ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ang mga benepisyaryo ay piling opisyales ng H2O Irrigator’s Association Incorporated.

Ayon kay DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer II Emmanuel Aguinaldo, ang naturang pagsasanay ay sa ilalim ng proyektong Village Level Farm Focused Enterprise Development.

May 15 magsasaka sa San Narciso, Zambales ang sumailalim sa pagsasanay sa Rice Wine Processing na inorganisa ng Department of Agrarian Reform. (DAR Zambales)

Layunin nito na maihanda ang grupo para sa kanilang aplikasyon ng lisensiya sa Food and Drug Administration upang makapagpatakbo ng negosyo.

Bahagi rin aniya ito ng hangarin ng DAR na pag-ibayuhin ang mga suportang serbisyo na inilalaan para sa mga benepisyaryo.

Hangad ng ahensya na makatulong na maitaas ang kalidad at higit pang mapaunlad ang kanilang mga pamumuhay. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here