Home Headlines 130K tilapia fingerlings, pinakawalan sa Pampanga River

130K tilapia fingerlings, pinakawalan sa Pampanga River

697
0
SHARE

Humigit kumulang 130,000 tilapia fingerlings ang pinakawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Pampanga River. (BFAR)


 

APALIT, Pampanga — Humigit kumulang 130,000 tilapia fingerlings ang pinakawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa Pampanga River.

Bahagi ito ng programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa na may layuning pagyamanin ang mga isda sa tubig-tabang.

Ayon kay BFAR Regional Fisheries Production and Support Services Division Officer-In-Charge Ralph Atabay, makatutulong ang isinagawang stocking ng tilapia fingerlings sa pagiging produktibo ng mga isdang naninirahan sa Pampanga River.

Ito din ang siyang magpapabuti sa hanapbuhay ng mga mangingisda roon.

Inilahad ni Atabay na nasa 15,000 tilapia fingerlings din ang ini-stock sa San Vicente Lake habang karagdagang 30,000 pa ang pinakawalan sa San Francisco River. (CLJD-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here