Home Headlines 13 photocopiers suporta ng LGU sa modular learning

13 photocopiers suporta ng LGU sa modular learning

750
0
SHARE

Ilan sa mga photocopier machine na ipinagkaloob ng Jaen LGU sa DepEd para produksyon ng modules. (Contributed photo)



JAEN, Nueva Ecija – Hiniling
ni Mayor Sylvia Austria nitong Huwebes sa mga kabataang estudyante sa bayang ito na pagbutihin ang kanilang pag-aaral sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na itaguyod ang edukasyon sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

“Sana ay sundin ninyo ang itinuturo ng mga guro at inyong mga magulang,” hiling ni Austria kaugnay pa rin ng pormal na pagbibigay ng suporta sa distance o modular learning system ng Department of Education.

Nitong Mates ay ipinagkaloob ni Austria, sa ngalan ng pamahalaang bayan, ang 13 photocopier machines para sa mga paaralang elementarya ng north district at probisyon ng utility personnel at bond papers para 13 eskwelahan ng south district.

Ang mga utility personnel ay magsisilbing tagahatid ng module para sa mga mag-aaral ng 13 eskwelahan  sa south district na nagsimula noong Hulyo at tatagal hanggang Disyembre 2020, ayon sa alkalde.

Sa limang pampublikong high school naman ay tatlong photocopier machine at dalawang laptop ang ibinigay ni Austria.

“Lahat ay talagang nagsisikap upang makapag-aral ang mga kabataan sa gitna ng pandemya kaya sana ay patuloy tagong magkaisa at magtulungan,” dagdag pa ng alcalde.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here