STA. MARIA, Bulacan— Malagim na Semana Santa ang inabot ng 12 manggagawang namatay sa pagsabog ng isang styro foam factory sa bayang ito nang nakaraang lingo samantalang 22 pa ang hinahanap na pinaniniwalaang natabunan sa pagsabog.
Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-otso ng gabi noong Martes ng dumagundong ang malakas na pagsabog sa boiler section QC Styrofoam factory na pag-aari ng isang Alex Chua at matatagpuan sa Barangay Guyong ng bayang ito.
Apat na malalaking gusali nito ang nawasak sa loob ng compound bunga ng malakas na pagsabog.
Pitong manggagawang isinugod sa Rogaciano Memorial Hospital dito ang idineklarang dead on arrival. Walo naman ang dinala sa Bulacan Medical Center (BMC) kung saan dalawa pa dito ang dead on arrival at isa pa ang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Batay sa tala ng BMC, dead on arrival ang mga biktimang sina Ronalyn Angeles at isang nakilala lamang sa pangalang Michelle. Binawian naman ng buhay si Gener Dunot habang ginagamot sa nasabing ospital.