Home Headlines 12 magniniyog sa Gitnang Luzon tampok sa 6th CARP Regional Trade Fair

12 magniniyog sa Gitnang Luzon tampok sa 6th CARP Regional Trade Fair

511
0
SHARE

LUNGSOD NG ANGELES (PIA) — May kabuuang 12 magniniyog sa Gitnang Luzon ang lumahok sa katatapos na 6th CARP Regional Trade Fair.

Kabilang sila sa 107 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na lumahok sa naturang aktibidad na idinaos sa Marquee Mall sa lungsod ng Angeles.

Ayon kay Department of Trade and Industry OIC-Regional Director Brigida Pili, ang naturang mga magniniyog ay inisyal pa lamang sa mga inaagapayan ng ahensiya sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan 2022-2026.

May kabuuang 12 magniniyog sa Gitnang Luzon ang lumahok sa katatapos na 6th CARP Regional Trade Fair na idinaos sa Marquee Mall sa lungsod ng Angeles. (Shane F. Velasco/PIA 3)

Kabilang dito ang mga produktong coco jam, coco spread, spiced coconut vinegar, pakumbo at head-to-toe wash na likha ng mga ARB sa Aurora at Bulacan.

Base sa Republic Act 11524 o ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act of 2021, isa ang DTI sa mga ahensiya ng pamahalaang nasyonal na tinakdaan ng may mandato na alalayan ang mga magniniyog.

Ito ay sa aspeto na mas maitaas pa ang kalidad at halaga o value added ng kani-kanilang mga produktong gawa mula sa niyog.

Gayundin ang packaging at labeling na maipapantay sa mga agribusiness coconut product gaya ng cocowater at cocosugar na nailuluwas na sa Estados Unidos, South America, Europa at Gitnang Silangan.(CLJD/SFV-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here