Home Headlines 12 barangay ng San Marcelino kabilang sa 2025 BEST Barangay Awardees 

12 barangay ng San Marcelino kabilang sa 2025 BEST Barangay Awardees 

144
0
SHARE

SAN MARCELINO, Zambales – Ginawaran ang 12 barangay ng bayang ito ng 2025 BEST (Building Excellence in Service and Transparency) Barangay Regional Award ng Department of the Interior and Local Government-Region 3, na ginanap sa Baguio Convention Center, Baguio City nitong Pebrero 18, kasabay ng 2026 Liga ng mga Barangay Convention.

Pinangunahan ni DILG Region 3 director Araceli A. San Jose, kasama si DILG-Zambales director Melissa D. Nipal ang gawad-parangal sa mga barangay na nagpakita ng natatanging performance at huwarang pamamalakad sa lokal na pamahalaan sumasalamin sa kanilang matibay na paninindigan sa accountability, transparency, at dekalidad na serbisyong publiko.

Ang mga kinilalang barangay ay ang Aglao, Buhawen, Consuelo Sur, La Paz, Laoag, Linasin, Lucero, Nagbunga, Rabanes, Rizal, San Rafael, at Sta. Fe.

Ang BEST Barangay Program ay isang performance-based initiative ng DILG Central Luzon na naglalayong itaas ang antas ng pamamahala sa barangay sa pamamagitan ng integridad, pagiging maagap sa serbisyo, at kahusayan sa paglilingkod sa mamamayan.

Hinikayat din ni Mayor Elvis Ragadio Soria ang mga barangay officials na patuloy na maging tapat at masigasig sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo dahil ang mga tapat na lingkod-bayan ang pundasyon ng tagumpay ng anumang pampublikong proyekto. Photos: San Marcelino PIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here