12 anyos nailigtas sa kidnaper

    588
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO – Isang 12-anyos na grade 5 pupil na kinidnap sa Muntinlupa City ang nailigtas ng mga pulis noong Sabado dito matapos maaresto ang suspek sa Angeles City.
    Ang biktima ay nakilalang si Jerome Rosario, 12, anyos, estudyante ng Sucat Elementary School na kinidnap noong Agosto 7.
    Ang suspek naman ay nakilalang si Frank Damayo, 50 anyos, residente ng  Sitio San Pablo, Barangay Telebastagan sa lungsod na ito na nadakip ng mga operatiba ng Muntinlupa City sa isang fastfood sa Angeles City.
    Batay sa imbestigasyon, sinundo ng suspek sa eskwelahan ang biktima noong Agosto 7, at dinala dito upang ipatubos sa mga magulang nito.
    Napag-alaman na malapit na kaibigan ng pamilya ng biktima ang suspek at bumili ito ng motorsiklong hulugan, ngunit nakapangalan sa pamilya ng biktima kaya’t sila ang sinisingil ng kinunan ng motorsiklo.
    Nang hindi na makabayad ang suspek para sa motorsiklo, ipinakuha na ito ng pamilya ng biktima sa kumpanya na ikinagalit ng suspek at kinidnap ang biktima upang may maipangtubos siya sa motorsiklo.
    Ngunit batay sa pahayag ng suspek sa Punto, ang ina ng biktima ang diumano’y nag-utos sa kanya upang kidnapin ang bata at dahil sa Pampanga, dahil doon sila magsasama.
    Itinanggi naman ni Edna Rosario, ina ng biktima na may relasyon sila ng suspek at sinabing,” luko-luko iyan, wala lang masabi,” subalit naghihinala umano naman ang kanyang mister.
    Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Muntilupa sa City Jail at nahaharap sa kasong kidnapping.
    Kaugnay nito, ikinagalit naman umano ng pulisya ng Angeles City ang kawalan ng koordinasyon sa kanila ng Muntilupa police matapos ang operasyon ng mga ito.
    Sinabi ng pulisya ng Angeles City na nakipag-ugnayan sa kanila ang mga operatiba bago simulan ang operasyon, ngunit pagkatapos nito ay bigla na lamang umalis.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here