LUNGSOD NG MALOLOS – Mabilisan ang naging pagkilos ng mga opisyal sa Bulacan upang mapigil ang posibleng pagkalat ng sakit na meningococcemia sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) matapos mapaulat na isang 12-anyos na batang lalaki ang diumano’y namatay sanhi ng nasabing sakit.
Gayunpaman, sinabi ni Dr. Joycelyn Gomez, ang provincial public health officer ng Bulacan, hindi pa rin tiyak kung meningococcemia nga ang ikinamatay ng biktima dahil hindi raw nakapagsagawa ng pagsusuri sa dugo ng biktima.
“Walang dapat ikatakot ang mga tao, kaya pinayuhan namin silang maging kalmado,” ani Gomez at ipinaliwanag na ang meningococcemia ay sanhi ng bacteria, at hindi ng virus na natatangay ng hangin tulad H1N1 Influenza.
Ayon kay Gomez, agad na nagsanib puwersa ang pamahalaang panglalawigan at pamahalaang panglungsod ng SJDM upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Nagsagawa sila ng disinfection at fogging bukod sa pagbibigay ng gamot sa mga taong nakasalamuha ng biktima.
“Binigyan agad ng gamot ang pamilya ng biktima maging yung mga estudyante sa eskwelahang pinapasukan nito. Mayroong mga nilagnat, pero nagsigaling na rin,” ani Gomez.
Nagsagawa rin sila ng information campaign para sa mga residente ng barangay Muzon sa lungsod ng SJDM para sa pagpapanatili ng kalinisan sa katawan at kapaligiran upang maiwasan ang pagkakasakit.
Ayon naman sa opisyal ng SJDM City Health office, nagsimulang magkasakit ang biktima noong Agosto 9 ng ito ay lagnatin.
Gayunpaman, nakadalo pa ng klase ang biktima sa Nieto Elementary School sa barangay Muzon ng nasabing lungsod, ngunit pagkaraan ng ilang araw ay sumuka ito ng plema at dugo kaya’t isinugod sa East Avenue Medical Center.
Noong Agosto 11, inilipat ang biktima sa San Lazaro Hospital kung saan ito ay binawian ng buhay, at noong Sabado ay na-cremate ang labi nito.
Ayon kay Gomez, ang cremation ay isang standard operation procedure (SOP) sa mga biktima ng meningococcemia, ngunit sa kanyang unang pahayag ay sinabi niyang “suspect” lamang ang sakit at hindi kumpirmado.
Batay naman sa pahayag ng SJDM health officials, ang sanhi ng pagkamatay ng biktima ay shock dahil sa meningococcemia. Ito ay ayon sa death certificate ng biktima.