Home Headlines 103 CARP beneficiaries sa Gitnang Luzon, lalahok sa Trade Fair

103 CARP beneficiaries sa Gitnang Luzon, lalahok sa Trade Fair

770
0
SHARE

IBA, Zambales (PIA) — May kabuuang 103 benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP sa Gitnang Luzon ang lalahok sa isang Regional Trade Fair.

Nakatakda ang ika-limang CARP Regional Trade Fair ng Department of Trade and Industry o DTI mula Nobyembre 17 hanggang 20 sa MarQuee Mall sa lungsod ng Angeles.

Sinabi ni CARP Regional Manager at DTI-Bulacan Provincial Director Edna Dizon na layunin ng trade fair, na may temang “Likhang ARBS: Ipamalaki at Tangkilikin” na matulungan ang mga agrarian reform beneficiaries na mapaunlad ang kanilang mga produkto.

Itatampok ng lalawigan ng Pampanga ang processed food, coffee, fruits and nuts, metal crafts handicrafts, fresh vegetables and fruits, fashion accessories habang ibebenta ng Bataan ang dairy products gaya ng pastillas at kesong puti, coconut-based products, ginger brew, turmeric, cashew products, honey, spicy vinegar handicrafts at souvenirs, at buko pie.

Ang Bulacan, sa kabilang banda, ay ibibida ang mga produktong coco jam, processed fish, sweets, organic rice, minasa, kropeck, fishball, cacao, dairy products, coffee, soil conditioner at rabbit’s meat.

Samantala, nakapokus ang Nueva Ecija sa dairy products, soya products, banana, taro at camote chips, mushroom products, fried dilis at pusit, bamboo products, rattan baskets, planters, cornhusk handicrafts at soft broom habang ang Aurora ay mayroong turmeric candy at molido, engraved wood and bamboo handicrafts, woodcrafts, furniture, coco based products, banana chips, buko pie, dragon fruit at guyabano wine.

Ang Tarlac naman ay magtatapok ng mga bamboo products, inuyat, ice cream, mga pabango at Ilang-ilang based products, mushroom chicharon, calamansi juice, sweet potato wine, peanut butter, coco jam, yema spread, processed meat, chicharon, chili paste at herbs at home decorations

At pang-huli, ang Zambales ay mayroong bagoong, dried fish, dried mangoes, cashew nuts, chili, mushroom chips, pastillas, wines, banana chips, sesame, rags, bed sheets, at mga rattan products.

Bukod rito, ilulunsad din ang CARP e-coffee table book at kikilalanin din ang mga top sellers. (CLJD/RGP-PIA 3)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here