10-wheeler truck bumangga sa gusali

    431
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG ANGELES – Isang 10-wheeler truck ang bumangga sa isang gusali sa harapan ng Angeles University Foundation (AUF) dito kahapon ng madaling araw dahil umano sa biglang pagkakatulog ng driver habang nagmamaneho.

    Ang driver na nakilalang si Wincent B. Carpio, Sampaloc, Manila, ay kasalukuyang ginagamot sa AUF Medical Center at nasa kritikal pa umanong kundisyon (habang isinusulat ang balitang ito).

    Ayon kay PO3 Domingo Servoulakos ng Traffic Management Group, ang truck ay papunta ng katimugang bahagi (patungong San Simon) nang bigla na lamang itong kumaliwa at bumangga sa nasabing gusali banadang 5:30 ng madaling araw.

    Tinamaan ang Generika Drug Store at isa ang main entrance gate ng gusali ngunit wala namang naiulat na namatay. Tinatayang P300,000 umano ang napinsala ng nasabing aksidente.

    Ang truck ay pag-aari nina Emmanuel-Grace Derige ng Victory Sur, Santiago City, Isabela, ani ng imbestigador.

    Lulan ng nasabing truck ang sako-sakong mais na agad namang kinuha ng isa pang truck na nanggaling pa sa Isabela.


    CLARK RESCUE TEAM

    Nauna namang dumating ang rescue team ng Clark Development Corp. dala ang mga makabagong kagamitang pang-hydraulics na sumagip sa buhay ng driver.

    Sinabi ng isang nakasaksi na humingi agad ng tulong sa mga pulis at sa City Hall, “hindi agad dumating ang mga taga-city hall, nauna pa ang CDC rescue team.”

    Ang pahinante ay nakilala namang si Rommel Santiago na taga Santiago City, Isabela na hindi naman masyadong nasugatan.

    “Sanay na kami sa ganung aksidente dahil sa trabaho naminn. Wala naman kaming alam ng trabaho kaya pinagtya-tyagaan namin ito,” pahayag ni Santiago sa may-ari ng Generika Drug Store.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here