IBA, Zambales — Sampung wanted persons na may ibat-ibang kasong kinasasangkutan ang dinakip sa magkakahiwalay na bayan ng mga tauhan ng Zambales Police Provincial Office sa loob ng isang araw sa pinaigting na police operation.
Mula sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni ZPPO director Col. Fitz A. Macariola napag-alaman ang mg sumusunod na pang-aaresto sa mga suspect.
Sa Subic, arestado si Jonel Roque Gonzales ng mga tauhan ng municipal police sa pangunguna ni Maj. Mark Louie M. Sigua.
Huli naman ng Sta Cruz Municipal Station sa pamumuno ni Maj. Noemi D. Diazni ang mga suspek na sina Henry Movilla Molino, Brics Minorca Mosena, Johan Mancilla, Jybenson Tuazon Mena, Herbert Bilog Meron Jr., at Oliver Tuazon Mena na nahuli naman ng mga tauhan ng Zambales 1st PMFC sa pangunguna ni Maj. Bryan Christopher Baybayan. Pawang may kasong Robbbery with Force Upon Things ang mga inaresto.
Sa San Antonio, sa pangunguna ni Lt. Darren Q. Ganotan ay hinuli ng mga pulis si Valentino Andohuyan sa kasong rape.
Sa Palauig, arestado naman ng kapulisan na pinamumunuhan ni Maj. Richard E. Asis sina Rendel Ducut Capati, sa kasong estafa, at Regina Neypes Gregory sa kasong cybercrime.
Lahat ng mga dinakip ay may kaukulang warrant of arrest.
“Ang pakiki-isa ng ating mga kababayan ang aming sandigan upang mahuli ang mga nasabing mga akusado, kung saan ang aming hangarin na ang ating lalawigan ay palagiang tahimik at may kaayusan,” ani Macariola.
“Ang kaligtasan nyo sagot ko kaya tulong-tulong tayo sa pagsugpo sa kriminalidad,” dagdag pa niya.