1 patay, 2 sugatan
    LPG tanker bumangga sa puno

    663
    0
    SHARE

    ABUCAY, Bataan- Isa ang patay, dalawa ang sugatan matapos bumangga ang sinasakyan nilang malaking tanker ng liquefied petroleum gas sa isang punong-kahoy at sumagudsod sa gilid ng gulod sa bahagi ng Roman Superhighway sa Abucay, Bataan bandang alas-5:30 ng madaling-araw ng Sabado.

    Idineklara ng doctor na dead on arrival sa Bataan General Hospital sa Balanga City si Tomas Nabigan, 18, ng Cagayan Valley at pahinante ng LPG tanker.

    Sugatan at isinugod din sa nabanggit na ospital ang driver ng tanker na si Cauikan Tejada, 23 at ang kanyang kapatid na si Alvin Tejada, 18, pahinante ng trak na may plate No. POX 1777 at pag-aari ng isang M.J. Teng.

    Sinabi ni Roberto Pabustan, may-ari ng tindahang kainan, na nakarinig sila ng kalabog at mga daing na humihingi ng saklolo. Ang kainan ay nasa tabi lamang ng punong-kahoy na binangga ng tanker.

    Nabagsakan umano ng cowl o ulo ng bubong ng tanker ang tatlo na ang nasapol ay si Nabigan.

    “Bumangga sa punong-kahoy ang tanker tapos sinagudsod ang gild ng gulod,” sabi ni Pabustan na tulog daw siya at kaanak nang mangyari ang sakuna.

    “Sumabit sa puno  at nag-7 ang sasakyan matapos sumagudsod sa lupa,” sabi ni Gilmer Nabigan, driver ng isang LPG tanker at kapatid ng namatay. “Nabagsakan ng ulo ng trak ang kapatid ko,” sabi nito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here